Lage na lang ako! Ako! Akoooo! -________-
Ang hirap maging only child. Walang ibang mapapansin yung nanay mo kundi ikaw lang. Pag wala ako dito sa bahay at nasa galaan ako nagagalit, pag nandito naman ako sa bahay nananahimik galet pa din. Anubeeeh?? Walang mapaglagyan te? Di ko na alam kung saan ako lulugar. Dati ko pa talaga gusto na magsolo na. Siguro naman kaya ko na yun, malaki na ko. Kesa naman ganito kame, magkasama nga kame lage naman kameng nagtatalo. Ang hirap pag magkasama kame sa bahay ni Mama. Walang araw na nagaaway o nagtatalo kame. Kaya sobrang gusto ko na ituloy yung sa Dubai. Sya naman yung nagtutulak saken palayo sa kanya. Ang hilig nyang mareklamo sa gastusin ko sa pagaaral ko. Tapos sinasabi ko sa kanya na stop muna ko para magtrabaho para makaipon sa pagaaral ko ayaw naman nya pumayag. Pag nanghihingi ka ng pagkain galet tas ayaw mo kumain papakainin ka. Magagalet pag ayaw mong kumain. Kingina. Ang guloooo. Ewan. Naiinis na ko. Lage na lang ako. Nakakapagod na. Di mo alam kung anu bang gusto nya. Minsan nararamdaman ko ayaw nya na nandito ako sa bahay. Pag aalis ako madaling madali sya na umalis ako. Kahit super aga pa papaalisin ka na nya. Egzayted? Mauna kana.
Katulad ngayon pinapagalitan nya ko na nagiinternet ako, mahal daw sa kuryente chenes. E bakit sila ate (pinsan ko) grabe gumamit ng kuryente di nya sinisita. Di nya kaya? Taragis.
Sobrang naiinis lang ako kaya nakapagblog ako ng ganito tungkol sa Nanay ko. Pero mahalaga naman sya sakin at mahal ko sya. Kaso minsan kahit mahal mo yung tao kailangan mong lumayo sa kanya kase pag di mo yun ginawa magkakasakitan kayong dalawa.



